DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Kasakiman ang sanhi ng fishkill – DENR

Ang kasakiman umano ng mga negosyante ang naging pangunahing dahilan ng naganap na fishkill sa Taal Lake.

Ito ang laman ng testinomya ni Department of Environment and Natural Resources-CALABARZON Regional Director Nilo Tamoria sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on climate change sa pamumuno ni Sen. Loren Legarda.

Ayon kay Tamoria, kahit pa nagbago ang panahon kung hindi ganoon karami ang alagang isda ng mga fish cage operators ay hindi sana humantong sa fishkill.

Iniulat din ni Tamoria sa Senado na aabot lamang sa 360 fish cage ang apektado ng fishkill mula sa 7,000 fish cage sa lawa.

Dati, umaabot sa 14,000 fish cage ang nakalatag sa lawa, ngunit dulot ng pagpupunyagi ng pamahalaang lokal, nabawasan ito at naging 7,000 na lamang.

“Mahigit 6,000 fish cage ang binaklas ng LGUs sa pamamagitan ng sariling pondo nito nang walang tulong sa pambansang gobyerno,” ayon kay Tamoria.

Sinabi naman ni Sen. Ralph Recto na kung 360 fish cage ang apektado ng fishkilla, kumakatawan lamang ito sa 5 percent ng kabuang bilang ng fish cage sa lawa kaya’t ligtas umanong kainin ang 95 percent ng inaaning isda sa naturang lugar.

Iginiit pa ni Recto na kung hindi nag-overstock ang mga fish cage operator sa lawa, hindi magkakaroon ng fishkill na siyang dumudurog sa kabuhayan ng mamamayan sa paligid ng Taal.

Hiniling din ni Recto sa DENR na huwag nang payagan pang muling makapagpatayo ng fish cage ang mga tiwaling operator upang maiwasan ang fishkill na lubhang nadadamay ang kabuhayan nang mga hindi apektadong mangingisda.

About these ads

June 8, 2011 - Posted by | Health, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: