DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

13 patay sa 6.9 magnitude quake sa Visayas

Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi kasunod ng magnitude-6.9 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Luzon.

Kinumpirma sa Bombo Radyo ni Gov. Roel Digamo ng Negros Oriental na liban sa 13 katao na kumpirmadong patay sa kanilang lugar, nasa 40 naman ang missing dahil sa nangyaring landslide.

Patuloy umano ang search and rescue operation sa mga nawawala at nagpadala na rin ng inisyal na tulong para sa mga lumikas na mga residente.

Habang kinakausap ng Bombo Radyo ang gobernador ay nagkataon pa na naramdaman niya ang malakas na aftershock.

Iniulat din ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, kabilang sa mga fatalities ay siyam sa Guihulngan City, dalawa sa Tayasan at isa sa bayan ng Jimalalu.

Inaasahan na tataas pa ang naturang bilang dahil patuloy pa ang pagdating ng mga impormasyon sa mga casualties.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Ramos ang mga residente na merong mga bitak ang mga bahay na ‘wag munang tirhan dahil sa patuloy na mga aftershocks.

Maging ang mga establishment na merong mga damage ay dapat iwasan muna para hindi madisgrasya.

Pasado alas-7:00 ng gabi batay sa monitoring ng Phivolcs ay mahigit na sa 200 ang mga naitatalang mga aftershocks na inaasahang magpapatuloy umano sa loob ng isang linggo bunsod nang nangyayaring adjustments ng mga plates sa ilalim ng lupa.

Dakong alas-6:10 ng gabi nang maitala ng USGS ang malakas na aftershock na nag-register sa kanilang earthquake monitoring sa 6.2 magnitude.

Una rito, inihayag ng opisyal na kabilang sa mga biktima ay isang bata na nadaganan ng gumuhong pader sa bayan ng Tayasan, Negros Oriental.

Ilang bintana rin na gawa sa salamin ang naiulat na nabasag sa isang mall sa Negros Occidental, habang nagkaroon naman ng bitak ang ilang gusali sa lungsod ng Iloilo at Cebu.

Una rito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) ang tsunami alert level 2 sa Negros Oriental at Cebu sa posibilidad na magkaroon ng maliit na tsunami.

Sa pagtaya aabot sa isang metro ang pagtaas ng tubig.

Kasunod nito, iniutos ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsuspinde sa biyahe ng lahat na sasakyang dagat lalo sa lugar ng Negros, Cebu, Bohol, Bacolod, Iloilo at iba pang lugar.

Ayon kay Coast Guard spokesman Lt. Commander Algier Recafrente, hangga’t nakataas ang tsunami alert, hindi muna maaaring maglayag ang mga barko at maliliit na sasakyang dagat sa mga lugar na nabanggit.

Makalipas ang ilang oras ay tinanggal na rin ng Phivolcs ang tsunami alert sa mga apektadong lugar.

Batay naman sa pinakahuling listahan ng Phivolcs, ang mga lugar na apektado ng intensity 7 ay ang Dumaguete City at Valle Hermoso sa Negros Oriental.

Intensity 6 sa La Carlota at La Castellana sa Negros Occidental.

Intensity 5 sa Lapu-Lapu City, Cebu City, Guimaras, Tagbilaran City sa Bohol, San Carlos City sa Negros Occidental; Roxas City, Dao at Ivisan sa Capiz; Iloilo City.

Naramdaman ang intensity 4 sa Sta. Barbara, Iloilo; San Jose, Patnungon at Pandan, Antique; Ayungon, Negros Oriental; Kalibo, Aklan; Sagay, Negros Occidental; Dipolog City; Butuan City; Tacloban City; Catbalogan, Samar; Masbate City; Cagayan de Oro City; St. Bernard, Southern Leyte.

Intensity naman ang naramdaman sa Bukidnon; Borongan, Eastern Samar; Camiguin.

Intensity 1 ang naitala sa Pagadian City.

Sa lungsod ng Iloilo, nagkaroon ng total blackout ang lungsod habang sinuspinde ang klase sa elementarya at high school maging ang pasok ng government employees at empleyado sa ilang nasa pribadong sektor.

Sarado rin ang Robinson’s Mall na nagkaroon ng bitak ang ilang bahagi gayundin ang gusali ng provincial capitol.

Bandang hapon na nang bumalik ang supply ng koryente.

Sa Negros Oriental, umaabot sa walong mga tulay ang naapektuhan at tatlo sa mga ito ay unpassable.

About these ads

February 6, 2012 - Posted by | Local, National, Regional, Science, Unusual | , , , , , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: