DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

BAGYONG JULIAN

hay naku, may bagyo na naman…

Lumakas ang bagyong Julian mula sa pagiging Low Pressure area (LPA) at tuluyan ng naging tropical storm habang patuloy na kumikilos ng pakanluran.

Huli itong namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa layong 300 kilometro ng hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan o 210 kilometro hilagang kanluran ng Laoag City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga, ang bagyong Julian ay inaasahang nasa layong 320 kilometro ng kanluran hilagang kanluran ng Laoag at bukas naman ng gabi ay sa layong 680 kilometro ng kanluran ng hilagang kanluran ng Laoag City

Sa kasalukuyan, nakataas ang public storm signal no one sa mga lugar ng Batanes Group of Islands, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Northern Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at La Union.

Patuloy ng pag-iibayuhin ni Julian ang hanging habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon partikular na sa kanlurang bahagi.

….pero alam nyo ang mas matinding bagyong inaabangan namin yung galit ni boss. naku signal number 5 daw yun sabi ni sir Jerry, yung body guard nya. Nagalit kasi si boss kasi hindi daw maintindihan yung voice clip ng isa sa mga kasamahan kong reporter. Hay buhay 3 tuloy silang nadamay sa kaso at kailangang magmulta. Bukod pa dun, matinding bagyo ng sermon ang maaaring humagupit bukas dahil dun sa pangyayaring yun… ;-(

August 4, 2008 - Posted by | National

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: