DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Cultural minorities, binalaan sa A(H1N1) 2nd wave – WHO

Naglabas ngayon ng panibagong babala ang World Health Organization (WHO) ukol sa napipintong second wave o ikalawang hagupit ng sakit na A(H1N1).

Bagama’t nakapagtala na umano ng hindi tinukoy na bilang ng mga biktima ng tinaguriang new H1N1 pandemic virus, sinasabing maliit na porsyento pa lamang ito kumpara sa karaniwang flu virus.

Pero inihayag din ng mga international health experts na 15 porsyento sa mga bagong pasyente nito ay mas malala ang naging sitwasyon kumpara sa mga nakaraang flu victims.

Inamin din ng WHO na nanganganib sa nabanggit na bagong pag-atake ng pandemic virus ang mga tinaguriang cultural minorities o indigenous people at mga mamamayang may mababang antas ng pamumuhay.

Paliwanag ng WHO, kailangan kasi ng agarang medical attention ng mga tatamaan ng bagong flu virus na magiging mahirap naman ito para sa mga minority people.

Magugunitang una ng isinantabi ng WHO ang regular updates ng H1N1 cases subalit binuhay muli ang paglalabas ng mga impormasyon ukol dito dahil sa mas mabagsik na uri ng flu virus.

Sa ngayon ay umakyat na sa 2,185 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng A(H1N1) influenza sa buong mundo mula ng matuklasan ito noong buwan ng Abril.

August 29, 2009 - Posted by | International |

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: