DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Metro, dinelubyo; 1 buwang ulan, bumuhos ng minsan

makati, metro manila

EPEKTO NG BAHA SA METRO MANILA

Inamin mismo ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) chairman at Defense Secretary Gilbert Teodoro na nasorpresa sila sa nangyaring biglaang flashflood sa buong Metro Manila at mga karatig na lugar.

FLOOD

FLOOD

Ayon kay Teodoro, apektado rin ng malawakang pagbaha ang lugar ng Bulacan, Pampanga, Batangas, Montalban, Pililia, San Mateo, Rizal at iba pa.

Inatasan na ng DND ang lahat ng units ng AFP na i-mobilize para tumulong sa rescue operation sa mga residente na trap sa mga pagbaha. Lahat aniya ng resources ng AFP ay pinakilos na.

Nauna rito, si Teodoro ay iniwan na ang kanyang sasakyan dahil sa baha ang lansangan ay sumakay na lamang ng MRT para makarating sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo sa tanggapan ng NDCC.

Inatasan naman ang MRT at LRT trains na i-extend ang mga byahe para makatulong sa pag-transport sa libu-libong mga pasahero.

Sa ngayon aniya bilang bahagi ng evacuation plan, dapat unang kumilos ang mga munisipyo at provincial governtment at saka naman susuporta ang NDCC.

Samantala, maraming mga lugar na rin ang inilagay sa state of calamity ayon kay Teodoro.

Iniulat naman ni PNRC chairman at Sen. Richard Gordon, lahat ng units ng Red Cross ay ipinadala na rin sa mga nangangailangan ng tulong at maging ang mga rescue units ng Subic at Olongapo ay pinapupunta niya sa Metro Manila para makatulong.

(story 2)

Inaprobahan ngayon ng Pangulong Gloria Arroyo ang pagsasailalim sa state of calamity sa 26 na lugar kasama na ang Metro Manila dahilan sa flashfloods dala ng bagyong Ondoy.

Ginawa ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) chairman at Defense Secretary Gilbert Teodoro ang anunsiyo kung saan ang iba pang mga lugar ay ang Aurora, Quirino, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal, Quezon, Isabela, Mt. province, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Sur, Laguna, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Norte, at Batangas.

Dahil dito, maaaring gamitin na ng mga nabanggit na lugar at mga local governtment units ang kanilang calamity fund para makatulong sa relief operations sa mga apektadong mga residente.

Ayon naman kay DILG Sec. Ronald Puno ang iba pa ay maaari ding magdeklara ng state of calamity na portion lamang ng kanilang lugar.

Ang buong pwersa ng PNP at AFP ay pinakilos na rin para i-mobilize sa rescue operations.

Si Pangulong Arroyo ay sumakay na sa pamamagitan ng Army trucks sa dahilang hindi kakayanin ng maliliit na sasakyan ang lalim ng pagbaha.

(story 3)

Pinakamalalang ulan umano sa kasaysayan ng Pilipinas ang naranasan sa loob ng anim na oras sa buong Metro Manila na nagdulot ng flashfloods.

Ayon sa Pagasa, sa loob lamang ng anim na oras, nakapagtala sila ng 341 millimeters ng rainfall sa Metro Manila lamang.

Marami ring mga residente ang nagulat na hindi naman dumaranas ng ganitong katinding flashflood ang kanilang mga lugar.

Ayon kay Cruz, posibleng dulot na ito ng climate change, dagdag pa rito ang mahinang drainage, pulusyon at malaking problema sa basura.

Sinasabing ang pinakamalalang ulan umano na naitala ng Pagasa sa Kamaynilaan ay nangyari noong Hunyo 7, 1967 kung saan umabot sa 334.5 millimeters ang rainfall sa loob ng 24 oras.

Samantala, inanunsyo ngayon ng Pagasa ang pagbukas ng Angat Dam matapos na umabot na ito sa critical level.

Sa ngayon umano ay nasa 175 cubic liter bawat segundo ang ipinapalabas na tubig ng Angat Dam

Inihayag ni Max Peralta, hydrologist ng Pagasa, hindi maaring umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam dahil mas mapanganib ito.

Napag-alaman buhat sa Pagasa na umaabot sa 2,198 cubic meter per second ang tubig na pumapasok sa Angat Dam.

(story 4)

(Update) Umaabot na ngayon sa 46 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa mga pagbaha dulot ng matinding pagbuhos ng ulan sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ayon sa ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), anim sa mga ito ay nagmula sa lungsod ng Maynila, habang ang 40 sa mga ito ay nanggaling naman sa Rizal Province.

Ayon kay Rizal Gov. Casimiro Ynares III, ng nsabing bilang ng mga patay ay mula sa Tanay, Rodriguez at Angono.

Sinasabing isa sa mga ito ay namatay matapos atakehin sa puso makaraang makita ang kaniyang anak na tinatangay ng tubig baha.

Sa ulat naman ni Gov. Jon Jon Mendoza ng Bulacan, pagtaas ng tubig na dulot ng ulan at pag-apaw ng mga dam ang kanilang malaking problema habang wala namang naitalang patay sa kanilang lugar.

Maging sa Zambales at Pampanga ay wala ding nai-ulat na patay dahil sa baha.

September 26, 2009 - Posted by | Exclusive, National

2 Comments »

  1. tindi ng mga kalamidad ngayon. aside from typhoon, my flood at earthquake pa paminsan-minsan

    Comment by randy | October 4, 2009 | Reply

  2. yan ang climate change

    Comment by april | October 11, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: