DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Bilang ng patay sa baha, 240 na – NDCC

 
STORM ONDOY

STORM ONDOY

Umabot na sa 240 ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ng bagyong Ondoy na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila, Region 4 at Central Luzon.

 

 
Sinabi ngayong umaga ni NDCC chairman at Defense Secretary Gilbert Teodoro, marami umano dito sa Region 4-A o Southern Luzon na mayroong 99, habang 37 naman sa Region 3 o Central Luzon at gayundin sa Metro Manila.

 

Ayon kay Teodoro, may 37 pang missing na patuloy na pinaghahanap ng mga rescue teams na ipinakalat sa mga apektadong lugar.

Sa ngayon, ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo ay nasa P2.4 billion kung saan P1.5 billion sa  infrastructure at P882 million sa agrikultura sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera.

Pinayuhan naman ni Teodoro ang mga evacuees na manatili muna sa mga pinaglikasang lugar habang wala pang go-signal ang gobyerno na bumalik na sa kanilang mga tahanan.

Samantala, ngayong araw pupulungin ni Pangulong Arroyo ang NDCC at buong gabinete hinggil pa rin sa kalamidad.

Sinabi ni Teodoro na kakausapin din nila ang mga opisyal ng mga tinamaan ng bagyong Ondoy para paghandaan ang tropical depression na namataan sa Pacific Ocean.

Bagama’t malayo pa ang bagyo, sinasabing dadaan ito sa direksyong tinumbok ni  Ondoy kaya dapat aniyang mapaghandaan.

Samantala, umakyat na sa 122 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Ondoy sa Rizal.

Sinabi ni Rizal Governor Casimiro Ynares lll, umabot sa 27 katao ang sugatan habang 57 ang patuloy na pinaghahanap o nawawala. 

Umabot rin sa 500,000 katao ang apektado ng bagyong Ondoy. 

Kasunod nito, inamin ng gobernador na nahihirapan sila sa search at rescue operations dahil may ilang lugar sa Rizal na mataas pa rin ang tubig baha. 

Wala pa ring supply ng tubig sa Montalban hanggang sa Binalonan. 

Sa bahagi ng Region-3, 24 ang namatay at 96 naman sa Region 4-A.

Kaugnay nito, bumalik na ang supply ng koryente sa ilang bahagi ng Cainta, Rizal.

 

September 28, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: