DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Paparating na bagyong Pepeng, lumakas pa

Patuloy ang paglakas ng bagyong Pepeng may international name na Parma habang papalapit sa Philippine area of responsibility.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos, sinasabing isa ng tropical storm ang naturang sama ng panahon matapos umabot na sa 75 kilometers kada oras ang taglay nitong hangin at may pagbugsong 95 kilometers bawat oras.

Huli itong namataan sa layong 1,510 kilometers east south east of Surigao City o 1,850 kilometers southeast of Naga City.

Kumikilos ito ng west south west sa bilis na 28 kph.

Inaasahang lalo pa itong lalakas habang nasa karagatan patungo sa Pilipinas si “Pepeng” dahil sa walang gaanong nakakasagabal sa kaniyang pagkilos.

Nauna rito, nilinaw ng Pagasa na kung hindi man tatama sa Pilipinas ang bagong bagyo, posibleng lumihis ito patung direksyon ng Taiwan.

Sinabi ni Pagasa Director Prisco Nilo, posible pang magbago ng direksiyon ng tropical depression.

Tinataya ng Pag-asa na papasok sa Philippine area of responsibility ang bagong sama ng panahon mamayang gabi o kaya bukas at posibleng maramdaman sa susunod na linggo.

Kung hindi magbabago ang direksiyon ni “Pepeng” maaari umanong maapektuhan ang bahagi ng northern Luzon mo kaya eastern Luzon.

September 29, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

9 Comments »

  1. Kuya DJ may latest balita ka na ba tungkol kay Pepeng? Taga-Rizal kami, sobrang nakakatakot si Ondoy, malaking pinsala dito.

    Comment by Babinski Mama | September 29, 2009 | Reply

    • actually, halos pareho po yung daan ng bagong bagyo sa dinaanan ni ondoy. pero ang pagkakaiba, mas malakas ang hangin ng pepeng kesa sa ondoy. kahit malakas o mahina man ito, pinakamabuting paraan ng pag-iingat ay paghahanda. kung mahina na po ang pundasyon ng inyong bahay dahil sa hagupit ng ondoy, lipat muna kayo sa mas safe na lugar. pero dalawang araw pa mula ngayon mararamdaman yung bagyong pepeng sa pilipinas. kahapon pumunta kami sa cainta at taytay, kasama namin si erap at gen. ibrado.

      Comment by dennis | September 29, 2009 | Reply

  2. d2 po ba sa iloilo cgnal# 4 po ba c pepeng

    Comment by airyn | October 2, 2009 | Reply

    • hindi po. ang tatamaan lang po nito ay ang northern, central luzon at ncr. pero makakaramdam rin sainyo ng mga pag-ulan pero mahina lamang ito kumpara sa mararanasan ng isabela at aurora. tandaan natin na ito ay isang super typhoon kaya’t malawak ang kaniyang nasasakop na mga apektadong lugar.

      Comment by dennis | October 2, 2009 | Reply

  3. maraming na kaka awa sa

    bagyun pepeng

    Comment by mac | October 12, 2009 | Reply

  4. papalakas na nga ang bagyong pepeng sana walang masaktan..
    nito

    jessa???

    Comment by jessa van | October 13, 2009 | Reply

  5. kawawa naman ang naapektohan ng bagyong pepeng wala na tuloy tayong stack ng bigas

    Comment by BRATIX09 | October 13, 2009 | Reply

  6. well…. thank you because i gain some knowlege!!!…

    Comment by ellona jane | October 14, 2009 | Reply

  7. …people in the affected area are so pity…hope that bagyong pepeng will proceed to other country na naman!!!.

    Comment by ellona jane | October 14, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: