DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

4 na lalawigan, iniutos na ang force evacuation

Pinalilikas na ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang mga residente sa mga lugar na maaring tamaan ng super typhoon Pepeng na inaasahang tatama sa kalupaan ng northern at central Luzon mamayang hapon.

Sinabi ngayong umaga ni NDCC chairman at Defense Secretary Gilbert Teodoro, bago magtanghali ay kailangan magkaroon na ng preemptive evacuation sa mga peligrosong lugar na maaring tamaan ng bagyo sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera.

Kasabay nito ay inatasan na ni Teodoro ang lahat na regional directors ng Office of the Civil Defense kasama ang DSWD maging ng ibang member agencies na tiyaking sapat ang supply ng tubig, pagkain at kagamitan sa mga evacuation centers.

Kaninang madaling afaraw ay pinulong din ni Teodoro ang mga regional directors ng Regional Disaster Coordinating Council at inatasang tukuyin na ang mga evacuation centers at tiyakin na makapagdesisyon nang maaga bago maganap ang kalamidad.

Bagamat inihanda na ng NDCC ang kanilang mga rescue assets, pinayuhan ni Teodoro ang mga residente na maaring tamaan ng bagyo na mas mabuting maagang lumikas kaysa ire-rescue.

story 2

Halos dalawang metro na umano ang lalim ng tubig ngayon sa bahagi ng Paete, Pakil at Pangil road sa Laguna dahil sa patuloy na pagtaas  ng Laguna de Bay.

Sa panayam ng Bombo Radyo ngayong umaga kay Laguna Lake Development Authority chairman Ed Manda, sinabi ng opisyal na maraming kabahayan na rin umano ang lubog sa tubig sa Napindan Channel, na isa sa mga waterways  ng lawa.

“Itong mga area ngayon ng Paete, Pakil-Pangil road, ang report ngayon ay 2 meters na ang taas ng tubig sa kalye,” ani Manda.

Kagabi pa lamang ay ipinag-utos na ng LLDA ang sapilitang paglikas ng mga residente sa tinatawag na danger zone sa area ng Laguna de Bay.

Paliwanag pa ni chairman Manda, “landward” o papunta sa mga komunidad ang direksyon ng pagtaas ng tubig sa lawa kung kaya’t inaasahan umano ang mas malawak pa na pinsala ng pagbaha.

Hinimok naman ng opisyal ang mga local government units malapit sa bunganga ng Laguna lake na magpatupad na ng contigency measures para sa kanilang mga residente.

“Iyong mga LGU’s natin sa lugar, dapat magpatupad na ng contingency measures para maiwasan ang mas malawak na pinsala. Kagabi, nagbigay na tayo ng babala para sa paglikas ng mga tao,” dagdag paalala ng opisyal.

October 2, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: