DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Typhoon Pepeng, nagbago ng direksyon

Bahagyang humina at bumagal ang bagyong si Pepeng habang papalapit sa kalupaan ng Pilipinas.

Pero sa halip na tumbukin ang mga lalawigan ng Aurora at Isabela, target na ngayon ng naturang sama ng panahon ang lalawigan ng Cagayan.

Paliwanag ng Pagasa, naapektuhan ang bilis, lakas at direksyon ng nasabing bagyo dahil sa ridge of the high pressure area sa may Northern Luzon.

Sa kabila nito, nananatili ngayon ang signal number 3 sa probinsiya ng Catanduanes.

Signal number 2 naman ang umiiral sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino, Northern Quezon, Polilio Islands, Camarines Norte at Camarines Sur.

Habang signal number 1 pa rin sa Batanes Group of Islands, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Nueva Viscaya, Benguet, La Union, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas, Cavite, Rizal, nalalabing parte ng Quezon, Marinduque, Albay, Burias Islands, Sorsogon, Metro Manila at Northern Samar.

Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 200 km North Northeast ng Virac, Catanduanes o 380 km Southeast ng Aparri, Cagayan.

Taglay na lamng nito ang maximum sustained winds na 175 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 210 kph.

Kasalukuyang kumikilos ito ng northwestward sa bilis lamang na 13 km bawat oras.

October 2, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: