DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Super typhoon Melor, posibleng papasok na sa RP, bukas

 
typhoon pepeng and super typhoon melor

typhoon pepeng and super typhoon melor

Posible umanong bumalik sa bansa ang bagyong Pepeng, ayon sa pinakahuling pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Huling namataan ang bagyong Pepeng sa layo lamang na 80 kilometro ng hilaga-hilagang-kanluran ng Laog City at taglay pa rin nito ang lakas na 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 150 kilometro kada oras.

Sa paliwanag ni Nathaniel Cruz, ang tagapagsalita ng Pagasa, nagkakaroon umano ng “interaction” si Pepeng at ng isa pang bagyo na may international name na “Melor.”

“Maari pong bumalik ito (Pepeng), papunta uli ng Northern Luzon. Isa po ito sa ating tinitingnan, unang-una po, dahilan sa kaniyang interaction dito sa dumarating na bagyo na si “Melor,” ayon kay Nathaniel Cruz.

Batay sa forecast ng Pagasa, magiging mabagal ang galaw ni “Pepeng” sa susunod na 48 oras.

Samantala, nagbabala naman ang Pagasa na posible umanong bukas ay papasok na sa area of responsibility ng Pilipinas si “Melor” kung hindi magbabago ang direksyon nito.

Nakataas pa rin ang storm signal number 3 sa mga lalawigan ng Batanes, Northern Cagayan, Ilocos Norte at Apayao.

Habang signal number 2 naman ang Ilocos Sur, Abra, Kalinga at ilang bahagi ng Cagayan.

 

STORY 2

Nilinaw ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na hindi naman direktang magpang-abot ang bagyong Pepeng at ang isa pang tropical storm na may international name na Melor.

Sa pinakahuling weather update, sinabi ni ng Pagasa spokesman Nathaniel Cruz, na sa kasalukuyan si “Pepeng” ay nasa layong 150 kilometro ng hilaga-hilagang-kanluran ng Laoag City habang si “Melor” ay nasa 600 kilometro ng silangang bahagi ng area of responsibility ng Pilipinas.

“May posibilidad na mag-doble. Ibig sabihin, dalawang bagyo ang nasa loob ng ating Philippine area of responsibility (AOR). Si Pepeng ay nasa edge ng ating South China sea at si Melor na papasok naman, ay dito sa eastern side ng ating AOR. But for them to merge, wala pa tayong nakikitang senaryo,” ang dagdag pagsalarawan ng opisyal.

Una rito, sinabi na ng opisyal na bukas ay posibleng pumasok na ng bansa ang bagong bagyo na may local name na   “Quedan.”

Pero tiniyak naman ng Pagasa na wala umanong direktang epekto si “Melor” sa alinmang bahagi ng bansa sakaling papasok na ito sa Philippine area of responsibility, dahil mahina na umano ang south-west monsoon.

“It will not cause any abnormal situation, except, ito na lamang interaction niya kay Pepeng,” dagdag ni Dir. Cruz.

Halos wala naman umanong pagbabago sa lokasyon ni “Pepeng”, kung saan taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot ng 120 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot ng 150 kilometro bawat oras.

October 4, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: