DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

TS Pepeng, nagbabalik; Super Typhoon Quedan, nasa RP na rin

Kambal na bagyo na ngayon ang nasa loob ng Philippine area of responsibility matapos pumasok na rin ngayong hapon lamang ang Super Typhoon Quedan na may international name na Melor, habang nagbabalik naman ang Tropical Storm na si Pepeng.

Dahil dito, muling itinaas ngayon lamang ang signal 3 sa Ilocos Norte, habang ibinalik naman sa signal number 2 ang mga lugar ng Ilocos Sur, Abra, Apayao, Batanes Group, Northern Cagayan, Calayan Islands at Babuyan Islands; habang signal number 1 naman ang ipinaiiral ngayon sa Pangasinan, La Union, Benguet, Mt. Province, Ifugao, Kalinga at nalalabing bahagi ng Cagayan.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Pepeng sa layong 220 km North Northwest of Laoag City.

Mula sa 95 kph, lumakas ito sa 105 kph habang may pagbugsong 135 kph.

Sa ngayon ay halos nananatili lamang ito sa iisang lugar at halos walang nagiging pagkilos.

Samantala, pinawi ngayon ng Pagasa ang pangamba ng publiko sa pagdating ng Super Typhoon Quedan, na huling namataan sa 1,130 km East Southeast of Basco, Batanes.

Ayon kay Pagasa spokesman Nathaniel Cruz, napakalayo ng nabanggit na sama ng panahon sa alinmang bahagi ng bansa, pero dapat pa rin umanong mag-ingat sa posibilidad ng mga pag-ulan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 205 kph at may pagbugsong 250 kph.

Kumikilos ito ng West Northwestward sa bilis na 26 kph.

October 5, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: