DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Pepeng’ posibleng mag-second landfall

Posible ngayong magkaroon ng second landfall ang bagyong Pepeng sa susunod na 12 oras.

Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center sa Pearl Harbor, Hawaii, inaasahang muling tatama ang sentro ng bagyo sa Pagudpud, Ilocos Norte o sa boundary ng Ilocos Norte at Cagayan.

Sa ulat naman ng Pagasa forecasting center, huling namataan ang nabanggit na sama ng panahon base sa satellite and surface data sa layong 50 km North of Laoag City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 105 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 135 kph.

 

tyKumikilos ito ng South Southwestward sa bilis lamang na 12 kph.

Dahil dito, nakataas ngayon ang signal number three sa mga lugar ng Batanes Group of Island, Northern Cagayan, Babuyan Island, Calayan Island, Apayao, Ilocos Norte, Abra at Ilocos Sur; signal number two naman sa natitirang bahagi ng Cagayan, Kalinga, Mountain Province, Benguet at La Union; signal number one sa Isabela, Ifugao, Nueva Vizcaya at Pangasinan.

Samantala, kasabay ng patuloy na paghagupit ng bagyong Pepeng, papalayo naman sa bansa ang bagyong si Quedan na kasalukuyan ngayong nasa typhoon category na lamang mula sa pagiging super typhoon nito.

Huli itong namataan sa layong 900 km East Northeast of Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 165 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 200 kph.

Kumikilos ito ng Northward sa bilis na 22 kph.

October 6, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

1 Comment »

  1. i hope this is the last typhoon. thanks for the info.

    Comment by ramil | October 6, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: