DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

3rd landfall ng bagyong Pepeng, naitala

PARMA

Matapos ang dalawang beses na landfall ng bagyong si Pepeng, panibagong landfall ang naitala ngayong araw.

Ito’y makaraang una na itong lumabas kaninang madaling araw sa kalupaan ng Cagayan patungo sa karagatang sakop ng Northern Eastern Luzon.

Ang naturang ikatlong pagtama ng bagyo ay kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas mula ng mabuo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) noong 1951.

Huling namataan ang nasabing tropical depression malapit sa baybayin ng Tuguegarao City.

PARMA

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna.

Mabagal naman itong kumikilos ng pakanluran.

Dahil dito, nakataas pa rin ang signal number one sa mga lugar ng Batanes Group of Islands, Cagayan, Babuyan Island, Calayan Island, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Isabela, Ifugao, Nueva, Vizcaya, Northern Aurora at Benguet.

Pero nilinaw ng Pagasa na mahina na ang nasabing bagyo at maaaring malusaw sa mga susunod na araw.

October 8, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: