DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Bilang ng patay dahil kay ‘Pepeng,’ daan-daan na

 

BAGUIO CITY – Umabot na sa 134 na katao ang pinakahuling bilang ng mga namatay sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ipinaliwanag ni OCD-CAR Regional Director Olive Luces na sa damage estimate ng infrastructure ay umabot na rin sa P346.4 million ang halaga habang P57.12 million sa agrikultura.

“Karamihan sa mga nasalanta ay nanggaling sa Benguet kung saan umabot na rin sa 31 ang nawawala sa kabuuang 42,040 ang apektadong pamilya na may 209,947 katao dito sa Cordillera,” ayon kay Luces.

May mga namatay na rin umano sa Mountain Province.

“Sa kabuuan pawang mga landslides ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima. Grabe talaga ang sinapit ng mga kababayan natin sa Benguet partikular sa Puguis, La Trinidad, Benguet dahil mahigit 50 ang namatay doon ngayong araw lang,” paliwanag pa ni Luces.

Sa kasalukuyan umabot na rin sa mahigit tatlong libong pamilya ang nailikas sa mga evacuation centers.

Isolated pa rin ang Baguio, Benguet at Mountain Province sa dahilang karamihan pa rin sa mga pangunahing kalsada ay sarado at 90% ay walang supply ng kuryente. 

STORY 2

LAOAG CITY –  Napilitan ang mga bus companies sa Laoag City na may rotang Laoag-Manila vice versa na kanselahin ang kanilang biyahe dahil sa pagbaha sa central Luzon.

Marami umanong mga pampasaherong bus na nanggaling sa Maynila ang stranded hanggang sa ngayun sa Carmen, Pangasinan dahil sa taas ng tubig-baha.

Dahil dito, maraming mga pasahero ang naantala sa mga bus terminal at hinihintay ang oras na maaring bumiyahe ang mga bus.

Ang mga stranded sa binahang mga lugar ay galing ng Maynila simula pa kagabi ngunit hindi pa nakarating hanggang ngayon sa kanilang destinasyon sa Laoag bus terminals.

Dahil dito, minabuti ng mga bibiyahe sana kaninang umaga mula Maynila papunta ng Laoag na huwag nang tumuloy para hindi mastranded sa mga binahang lugar.

October 9, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

1 Comment »

  1. ano ba tong bagyong pepeng parang nag lalaro lang cila n
    bagyong ondoy

    Comment by jessa van | October 13, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: