DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Food shortage sa Baguio City, pinangangambahan

BAGUIO CITY – Nagkukulang na ang supply ng mga pangunahing bilihin sa lungsod ng Baguio, lalo na sa pagkain, bunsod ng limang araw na hindi madaanan ang mga kalsada paalis at papuntang Baguio.

Marami sa mga stalls sa Baguio City Public Market ang nagsara na dahil wala na silang maibenta, gaya ng karne at isda.

Dahil dito, personal na mamimigay si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ng relief goods bukas sa mga evacues sa lungsod ng Baguio at probinsiya ng Benguet.

Hanggang sa ngayon, daan-daang pa rin kasi ang mga nakatira sa mga evacuation centers dahil wala na silang babalikang bahay matapos tabunan ng mga landslides.

Samantala, pangungunahan din ng Pangulong Arroyo ang occular inspection sa mga road cuts ng Marcos highway sa bahagi ng Barangay Taluy Sur, Tuba, Benguet.

Sinabi naman ni DPWH-Cordillera Regional Director Roy Manao na kailangang itutuloy-tuloy nila ang 24 hour na pagkukumpuni sa mga naturang roads cuts.

Ipinapatupad na rin ang odd even-scheme para sa mga public utility vehicles sa Baguio para makatipid ng krudo at gasolina na ngayon ay wala ng supply sa lungsod.

October 12, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Regional, Science

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: