DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Bagong bagyo, patungo rin sa Northen Luzon – Pagasa

Hindi pa man tuluyang humuhupa ang tubig baha sa hilagang Luzon, muli na namang itong tatamaan ng paparating na bagyong Ramil na ngayon ay nasa labas pa ng Philippine area of responsibility.

Ayon kay Pagasa spokesman Nathaniel Cruz, huling namataan ang naturang tropical depression sa layong 1,845 kilometro sa silangan timog silangan ng Virac, Catanduanes.

TROPICAL DEPRESSION

TROPICAL DEPRESSION

Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras.

Ayon sa Pagasa, malaki pa ang posibilidad nitong lumakas habang nasa karagatang Pasipiko.

Pero nilinaw nito na hindi nila ibig takutin ang mga mamamayan ng Luzon kundi ibig lamang nilang makapaghanda ang lahat habang malayo pa ang naturang sama ng panahon.

Bukod dito, hindi pa rin tuluyang nakakalabas ng PAR ang low pressure area (LPA) na nagdulot ng matinding mga pag-ulan sa Bicol at ilang bahagi ng katimugang Luzon.

October 15, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: