DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Outbreak, pagkatapos ng bagyo

Nagdekara na ngayon ng outbreak ng nakamamatay na sakit na leptospirosis ang Department of Health (DoH) sa tatlong barangay sa Metro Manila, ito’y bunsod ng tumataas na kaso ng mga pasyenteng namamatay.

Kabilang sa  mga lugar na mataas ang kaso ng leptospirosis infection ay ang mga barangay ng Tumana, Malanday at Concepcion I sa lungsod ng Marikina.

Maalala na ang Marikina ang isa sa mga lugar na grabeng nasalanta ng pagbaha dulot ng bagyong Ondoy.

Kasabay ng outbreak declaration, inatasan na ni Health Secretary Francisco Duque  ang mass administration ng gamot na prophylaxis para sa apektadong residente.

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF HEALTH

Sa pinakahuling talaan ng DoH, umakayat na sa 89 ang kaso ng mga namamatay sa sakit,  habang umakyat naman sa  1,027 ang mga pasyente sa iba’t ibang ospital.

Sa kaso ng mga barangay sa Marikina, 35 kaso ang natukoy sa Malanday, 19 sa Concepcion I at 14 sa Tumana.

Ang leptospirosis ay mismong pangalan ng mikrobyo na nagdudulot ng nasabing sakit.

Lagnat at pananakit ng katawan ang karaniwang sintomas ng leptospirosis kung kaya’t napagkakamalang trangkaso lamang ito at kung malubha na ang sakit ay napagkakamalan naman na hepatitis dahil naninilaw ang balat ng pasyente.

STORY 2

Biktima ng leptospirosis, lalagpas pa ng 300

Pinangangambahang hihigit pa sa 300 na indibidwal ang posibleng masawi dahil sa sakit na leptospirosis sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila at mga karatig na lalawigan sa Luzon na labis na sinalanta ng pagbaha.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center (NEC) ng Department of Health (DOH), sa pagtaya ng DOH, posibleng darami pa ang bilang ng mga masasawi sa nasabing sakit, lalo na kung maraming pasyente ang hindi agad magpapakonsulta at hindi mada-dialysis.

“Pagtaya namin, ‘wag naman sana mangyari, ay baka lumagpas sa 300 ang mamatay, eto ho ay estimate natin kung magpapatuloy na may magkakasakit, hindi nagpakonsulta, at hindi nadialysis,” sinabi ni Tayag.

Posible rin ayon kaya Tayag na ang kaso ng leptospirosis sa ngayon na maitatala sa loob lamang ng isang buwan, ay maging katumbas na ng 1 year average ng nasabing sakit.

Nilinaw naman ni Tayag na malayo pa sa nasabing bilang ang dami ng mga nasawi sa leptospirosis. Ginagawa rin aniya ng Pamahalaan ang lahat para hindi umabot sa puntong darami pa ang mamamatay sa sakit.

Ayon kay Tayag, ipinag-utos na rin ni Health Sec. Francisco Duque III ang pamamamahagi ng antibiotic sa mga residente sa mga lugar na matindi ang naging pagbaha.

Ito ay para maagapan aniya at hindi na sila tamaan pa ng nasabing sakit.

Dagdag pa ni Tayag, libre ang pagpapa-dialysis sa mga pampublikong Ospital para sa mga may leptospirosis na nasa malubha nang stage.

Bumabalangkas na rin aniya sila ng kasunduan sa mga pribadong ospital upang matustusan ng Pamahalaan ang gastusin ng mga pasyenteng madadala o maililipat sa mga private hospitals.

Binalaan naman ng DOH ang mga ospital na hindi tatanggap sa mga pasyenteng may leptospirosis.

Ani Tayag, may direktiba na sa mga pagamutan na kung mapupuno ang isang Ospital ay ililipat sa ibang pagamutan na kakaunti pa lamang ang mga pasyente ng leptospirosis.

Pinulong na rin aniya ni Duque ang mga lokal na pamahalaan sa mga bayan at siyudad na labis na sinalanta ng pagbaha, para masolusyonan ang pagdami ng kaso ng sakit.

Pangunahing direktiba aniya ni Duque ay ang gawa ng paraan upang agad maalis ang tubig baha sa mga lugar.

Kung hindi naman makakayanan pang maalis ang tubig baha ay dapat ilikas ang mga residente.

Gayunman, kung magpipilit ang mga residente na manatili ay dapat pagpayuhan ang mga ito na huwag lulusong sa baha ng hindi naka bota.

Makakatulong din aniya ang pagsusuot ng pantalon kapag lulusong sa baha, sa halip na shorts, upang hindi didirekta sa balat ang tubig baha.

October 16, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: