DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

House-to-house na ang babala dahil sa paparating na bagyong Ramil

LA TRINIDAD, Benguet — Patuloy ngayon ang ginagawang paalala ng provincial government ng Benguet sa kanilang mga residente partikular ang nasa mga “danger zones” ng baha at landslides, bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyong Ramil.

Ayon kay Benguet Governor Nestor Fongwan, house-to-house na ang ginagawa ng mga pulis sa kanilang lugar  para iparating sa mga residente ang nabanggit na babala.

Sa pinakahuling weather bullettin ng Pagasa, bahagya umanong umurong ang bagyong Ramil sa halip na magmadaling pumasok sa loob ng Pilipinas.

Huling namataan ang sentro ng typhoon Ramil base sa satellite and surface data sa layong 970 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora (16.8°N 132.5°E).

Taglay na nito ang mas malakas na hanging 160 kilometro kada oras malapit sa gitna habang may pagbugso naman itong 195 kilometro bawat oras.

Katulad umano ng bagyong Pepeng nagsimula na rin umano ang bagyong Ramil na bumagal at halos hindi gumalaw sa nakalipas na mga oras.

Sa kabila nito, nananatili naman hilagang Luzon ang tatamaan nito kahit tumagal pa ng husto sa gitna ng dagat.

Samantala sa Pangasinan, nanawagan ngayon ng karagdagang mga helicopters si Pangasinan Governor Amado Espina kaugnay ng ginagawang pre-emptive evacuations ng lalawigan, bilang paghahanda sa inaasahang pagtama ng bagyong Ramil sa bansa.

Bagama’t sa kasalukuyan aniya ay patuloy pa nilang inoobserbahan ang pagpapakawala ng tubig mula sa san Roque dam, subalit iginiit nito na mahalagang makapag-handa na sila ng maaga para maiwasan ang malaking pinsala sakaling magiging grabe ang epekto ni “Ramil.”

October 18, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: