DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Underwater cabinet meeting, tumagal ng 30 min

MALE, Maldives – Handa ng i-presenta ni Maldives President Mohamed Nasheed sa gaganaping U.N. Climate Summit sa Copenhagen, Denmark ang nabuong deklarasyon sa kanilang ginanap na underwater cabinet meeting sa isang beach sa katimugan ng Male.

Ayon kay Nasheed, nakapaloob sa kanilang napagtibay ang panawagang pagtigil ng lumalalang problema ng carbon emissions sa buong daigdig.

“We are trying to send our message to let the world know what is happening and what will happen to the Maldives if climate change isn’t checked,” wika ni Nasheed.

Una dito, naka-scuba gear pa ang pangulo kasama ang kaniyang 11 miyembro ng gabinete sa 30 minutong pagpupulong sa ilalim ng tubig na may layuning makatawag ng pansin sa iba’t-ibang lahi ang kanilang makabuluhang panawagan.

Tinatayang 16 na talampakan (5 metro) ang lalim ng tubig kaya pawang senyas lamang ang paraan ng mga miyembro ng gabinete para magpa-abot ng mensahe sa isa’t-isa.

Agad namang pinuri ng mga environmentalist ang hakbang ng Maldives government para sa malawakang public awareness.

Ngayon pa lang ay pinanonood na rin ng marami ang ‘underwater cabinet meeting’ sa ilang popular na video site sa internet.

October 18, 2009 - Posted by | International, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: