DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Bagyong Ramil, baka hindi na maglandfall – JWTC

Posibleng hindi na maganap ang pinangangambahang landfall ng bagyong si Ramil sa alinmang lugar ng hilagang Luzon.

Ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na nakabase sa Pearl Harbor sa Hawaii, mula sa dating direksyon ng bagyo ay maaaring lumihis na ito ng direksyon patungo sa Taiwan area.

Aminado naman ang Pagasa na nahihirapan silang magditermina ng mga aktibidad ng bagyong si Ramil sa nakalipas na tatlong araw.

Ito’y dahil sa mga hindi inaasahang pagbabago sa kalagayan ng naturang sama ng panahon na sa kabila ng kaniyang paghina ay hindi pa rin ito natitinag.

 Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 180 kms East of Aparri, Cagayan.

Taglay pa rin nito ang maximum sustained winds na 160 kph at may gustiness na 195 kph.

 Nananatili namang west southwest ang direksyon nito sa bilis na 13 kph.

 Umiiral pa rin ang signal number 3 sa mga lugar ng Batanes Group of Island, Cagayan, Calayan Island, Babuyan Islands, Apayao at Ilocos Norte.

 Signal number two naman sa Kalinga, Isabela, Ilocos Sur, Abra, Mt. Province, Ifugao, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino at Aurora.

Signal number one naman sa Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Quezon at Polillo Islands.

October 22, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: