DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Bagyong Ramil, muling magbabalik?

Sa kabila ng unti-unting paglayo ng bagyong Ramil sa kalupaan ng extreme Northern Luzon, isang bagong impormasyon naman ang napag-alaman ngayon ng Bombo Radyo sa pamamagitan ng ilang international weather agencies na muling magbabalik ang naturang sama ng panahon.

Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JWTC), maaaring maganap ang panibagong “Fujiwara effect” o pagbabalik ng bagyo simula sa darating na araw ng Martes.

Paliwanag ng naturang ahensiya, may ibang mga weather system na nakaka-apekto rito kaya naka-amba ang panibagong phenomenon.

Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyong ramil sa layong 425 km Northeast of Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang lakas na 95 kph at may gustiness na 120 kph.

Kumikilos ito ng northeast direction sa bilis na 15 kph.

Sa ngayon ay Batanes na lamang ang nasa ilalim ng signal number one.

Bukas ng hapon, ang nasabing bagyo ay inaasahang nasa 700 kms Northeast of Basco, Batanes o 100 kms South of Okinawa, Southern Japan.

October 24, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: