DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Albay, naka-alerto na dahil sa paparating na bagyo

LEGAZPI CITY – Bagama’t hindi pa tuluyang nakakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Santi, bilang paghahanda ay agarang nagpatawag ng emergency meeting si Gov. Joey Salceda sa mga personahe ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC), Phivolcs, Office of Civil (OCD), PNP at Philippine Army (PA).

Sa report ng Bombo Radyo Legazpi, sinabi ni Salceda na kailangang paghandaan ang panibagong banta ng bagyo kahit nasa 2,300 kilometro silangan ng Bicol region pa ito sa ngayon.

Aniya, posibleng mas malakas pa ang hagupit nito kumpara sa mga naunang bagyong dumaan sa bansa na hindi dapat na ipagbawalang bahala.

Maaring ma-trigger din umano nito ang lava sa crater ng Mayon na patuloy sa pag-aalburuto sa kasalukuyan.

Ngayon pa lamang ay inabisuhan na ang municipal at City Disaster Coordinating Councils na i-review ang evacuation plans, paghahanda sa mga evacuation centers at alertuhin ang mga barangay officials sa paghahanda ng mga residente.

Isinailalim ngayon ang Albay sa monitoring o preparedness status bunsod ng papasok na tropical depression na maaaring magdulot ng pagbuhos ng malakas na ulan na magresulta sa landslide at flashfloods sa lalawigan.

October 27, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Regional

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: