DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Preemptive evacuation sa Albay, Quezon, Camarines Norte, ipinatupad na

Agarang ipinatupad ang preemptive evacuation sa buong lalawigan ng Albay matapos isailalim sa storm signal number 2 bunsod ng bagyong Santi.

Sa report ng Bombo Radyo Legazpi, unang inilikas ang mga residente ng Barangay Padang, Banquerohan at iba pang barangay na prone sa landslide at flashfloods sa lungsod.

Gayundin ang mga naninirahan sa paanan ng bulkang Mayon na maaring maapektuhan ng pagragasa ng lahar sakaling lumakas pang lalo ang pag-ulan.

Habang ongoing naman ang isinasagawang paglilikas ng mga residente sa mga kabayanan at lungsod sa una, ikalawa at ikatlong distrito ng lalawigan.

Kaugnay nito, sinimulan na ring ipamahagi ang relief goods sa mga evacuees at tiniyak ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na naka-standby ang mga sasakyan at communication vehicle sa kanilang 24 na oras na monitoring.

Samantala, mahigit pa rin sa 2,000 ang naantalang mga pasahero sa pantalan ng Bicol.

Kabuuang 2,359 ang nakahimpil sa mga pantalan at ang pinakamaraming bilang ay nasa Matnog port na umaabot sa 1,127; sinundan ng Tabaco port, Albay na nasa 579 at Pilar port, Sorsogon na nasa 344.

Ilan sa mga na-stranded sa Pilar port ay pansamantalang nakiuwi muna sa kanilang mga kamag-anak sa Sorsogon kung kaya’t bahagyang nabawasan ang bilang nito.

Kasalukuyan na ring nararamdaman sa lalawigan ng Albay ang malakas na pagbuhos ng ulan at hangin.
 
Isinagawa rin ng paglilikas sa ilang mga residente sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Navy Southern Luzon Command sa Bombo Radyo.

Partikular na inuna ng paglilikas ay ang mga residenteng naninirahan sa coastal barangays ng Mercedez, Camarines Norte.

Dalawampu’t anim na pamilya na ang nailikas mula sa Barangay 7 ng Mercedez patungo sa Mercedez Central School.

Iniulat naman ni Quezon province Gov. Raffy Nantes, na nakapaghanda na sila lalo na sa mga pagkain o relief goods at evacuation center.

Ayon sa opsiyal, ipinatupad nila ang preemptive evacuation lalo na sa mga coastal areas o tabing dagat, katulad ng General Nakar, Infanta at Polillo.

Sinabi ng gobernador, may aral na umano silang nakuha noong 2004 na hindi nakapaghanda.

October 30, 2009 - Posted by | Exclusive, Local, National, Regional, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: