DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

5 lugar sa Luzon, signal No. 1 na sa bagyong Tino

Agad itinaas ngayong hapon ang signal number one sa limang lugar sa Northern Luzon region matapos tuluyan ng maging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa eastern section ng ating bansa.

Ayon kay Pagasa spokesman Nathaniel Cruz, kabilang sa mga lugar na apektado ng bagyong Tino ang mga lugar ng Isabela, Cagayan, Babuyan, Calayan Islands, at Batanes Group of Islands.

Huling namataan ang sentro ng bagong bagyo sa layong 270 kilometers east of Tuguegarao City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers at pagbugso na umaabot sa 75 kilometers kada oras.

Kumikilos ito ng west northwestward direction sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Nagpaliwanag naman ang Pagasa sa magkaiba nilang pagtaya kumpara sa ibang international weather agencies dahil una ng lumabas ang pahayag nilang malabong maging bagyo ang naturang weather system, subalit sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ay ganap ng bagyo ang kategorya nito.

Ayon kay Cruz, magkaiba kasi ang kanilang wind measurement kaya magkakaiba rin ang kanilang nagiging pagtaya.

November 2, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

1 Comment »

  1. kua pede b english

    Comment by karylle | December 21, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: