DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Ilang Mindanao, niyanig ng 5.6 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong hapon lamang ayon sa US Geological Survey (USGS).

Sa mensaheng ipinaabot naman sa Bombo Radyo ni Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs) director Renato Solidum, ang sentro ng lindol ay naitala sa 78 kilometro hilaga at 56 kilometro silangan ng Mati, Davao Oriental.

Ang lindol ay may lalim na 78 kilometro at intensity 3 ang naramdaman sa Davao City, Tagum City at Taguna sa Davao Oriental.

Intensity 2 naman ang naitala sa Bislig City, lungsod ng Gen. Santos, Kabacan, North Cotabato; Carrascal, Surigao del Sur; Cateel, Padada Bansalan at Digos City sa lalawigan ng Davao del Sur.

Sa ngayon ay wala pang may naitala na pagyanig bunsod ng nasabing lindol.

Kasabay nito, nagbabala naman si Solidum sa posibleng pagkakaroon pa ng aftershocks matapos ang nasabing pagyanig.

November 4, 2009 - Posted by | National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: