DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

7th world title nasungkit ni Manny Pacquiao

LAS VEGAS — “He is not an easy opponent. I learned a lot from this fight.”

Ito ang pahayag ng bagong WBO welterweight champion at current pound-for-pound king Manny Pacquiao sa kalaban nitong si Puerto Rican star Miguel Cotto.

cotto vs pacquiaoNaitala ni Pacquiao ang katangi-tanging record sa buong kasaysayan ng boksing, ito ay ang pang-pitong world title sa pitong magka-ibang weight division.

Dalawang beses na pinaluhod ni Pacquiao si Cotto.

Narito naman ang per round update ng Bombo Radyo sa naturang laban:

ROUND 12

Naging eksplusibo ang pagtatapos ng round 12 ng labanang Manny Pacquiao – Miguel Cotto.

Pinahinto ng referee ang laban dahil sa tindi ng tama sa mukha ni Cotto.

Hindi na halos maibuka ang kanyang mata ni Cotto.
Technical knockout ang panalo ni Pacquiao.

Dahil sa nasabing panalo, nakuha ni Pacman ang kanyang pang-pitong titles sa pitong magkaka-ibang dibisyon.

ROUND 11

Nakorner ni Pacquiao si Cotto.

Halos nagpapahabol na lamang ang Puerto Rican star at bihira ng magbitaw ng suntok.
ROUND 10

Matapos ang 10 rounds sarado na ang mga mata ni Miguel Cotto.

Puno na ng dugo ang shorts ni Cotto dahil ang putok ang kilay ng welterweight champion.

Atras nang atras si Cotto at tila napagod ito.

ROUND 9

Nakaka-konek ang mga jabs ni Cotto.

Nakorner si Cotto at yumapos sa Pinoy ring icon.

Duguan na ang mukha ng welterweight champion sa sunod-sunod na power combos ni Manny Pacquiao.

ROUND 8

Tuloy ang pananalasa ng suntok si Pacquiao sa mukha ni Cotto.

Sulidong jab ang tumama sa Puerto Ricdan champion.

Sumusugod si Pacman at tumatakbo si Cotto na halatang ramdam ang malalakas na suntok ng Pinoy champion.

ROUND 7

Namamaga ang mukha ni Cotto.

Isang solid na kaliwa ni Manny ang naka-konek sa mukha ni Cotto na
sinundan pa ng 1-2 combinations ng Filipino ring icon.

Gumanti ng 1-2 shots si Cotto subalit bigong makapasok sa depensa ni Manny.

Bago nagtapos ang round, isang solid straight ni Cotto ang tumama kay Pacquiao.

ROUND 6

Patuloy ang pagbibigay ng suntok ni Pacquaio sa mukha Cotto.

Sa bawat suntok ni Pacman, umaatras ang welterweight champion.

Corner si Cotto at muntik na namang matumba.

Sa pagtatapos ng round 7, hinawakan ni Cotto ang mukha ni Pacman.

Lumalaki na rin ang maga sa mukha ni Cotto.

ROUND 5

Naka-konek ng straight right si Cotto.

Isang solid right naman ni Manny ang nakatama sa kalaban.

Bago natapos ang round, humabol pa ng mga combination punches si Pacquiao.

ROUND 4

Patuloy ang pagbibitaw ng magagandang kombinasyong suntok si Miguel Cotto.

Sunod sunod suntok ang binitawan ni Pacquiao sa mukha ni Cotto.

Tumba sa pangalawang pagkakataon si Cotto dahil sa lakas ng suntok ni Pacman.

Save by the bell ang nangyari sa Puerto Rican champion.
ROUND 3

Binilangan ng KO si Cotto sa early seconds ng Round 3.

Sunod-sunod na jabs ang binitawan ni Cotto subalit hindi tumatama.

Solid body shots ang iginanti ni Manny.

May sugat na ang kanang mata ni Cotto.
ROUND 2

Sunod sunod na suntok ang pinapakawalan ni WBO welterweight champion Miguel Cotto pero kayang kaya ni IBO light wellterweight champion Manny Pacquiao.

Pero agad na bumawi si Pacquiao at binigyan ng suntok sa mukha si Cotto.

Body shots ang tinitira ni Cotto, pero mas maraming suntok ang Filipino champion.

One two three combination ang bawat bitaw ng Pinoy ring icon at hindi nakakabawi si Cotto.
ROUND 1

Kapwa nagka-tantiyahan sina Puerto Rican welterweight champion Miguel Cotto at Filipino pound-for-pound king Manny Pacquiao.

Bagama’t di hamak na mas malaki sa kaniya si Cotto, nakaka-konek ng solid na kaliwa sa mukha ng kalaban si Pacquiao.

Si Pacquiao at naka-suot ng kulay pulang short habang puti naman kay Cotto.

November 15, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Sports, Unusual

1 Comment »

  1. Manny Pacquiao did a very good work on this fight!

    Comment by Rocky Garcia | November 16, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: