DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Gimik ng magpapa-file ng COC, dapat limitahan’

Dahil sa inaasahang iba’t ibang gimik ng mga politiko na maghahain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC), umapela ngayon ang Commission on Elections (Comelec) na limitahan ang ganitong sistema.

Ginawa ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, ang panawagan dahil kadalasan ang ganitong kalakaran ay nagpapagulo, bagama’t naintidihan umano nila ito.

Partikular na tinukoy ni  Larrazabal ang palaging pagdadala ng sangkatutak na mga supporters, banda at pakulo ng ilang mga pulitiko, na kung tutuusin ang pinakamahalaga lamang ay ang paghahain ng COC.

Kaugnay nito, tiniyak ng Comelec ang kaayusan sa buong panahon ng filing ng COC.

Ayon kay Diosdado Sapo, head ng Comelec security, may mga plano na silang inihanda sa nasabing kaganapan na nagsimula na kanina.

Bagama’t bukas aniya ang Comelec sa lahat ng ibig tumakbo sa anumang posisyon, hindi naman papayagan ang anumang gimik na maaaring magdulot ng kaguluhan sa iba pang magsusumite rin ng dokumento, pati na sa mga tauhan ng Comelec.

Inihalimbawa ni Sapo ang malaking bilang ng mga taga-suporta na maghahatid sa kandidato na kung minsan ay may mga banda pa ng musiko.

Anang opisyal, tanging ang immediate family members lamang ng aspirante ang papayagang makapasok sa Comelec habang ang iba namang mga taga-suporta lamang ay mananatili sa labas ng tatawagan.

Kanina lamang ay tatlong presidential aspirant na ang nakapagsumite ng COC at ito ay sina Roberto Madera ng KBL, Gregoria “Manok” Samia na indipendiyente at isang Josefina Murillo ng umano’y National Partylist na hindi naman kinikilala ng Comelec.

Ayon naman kay Comelec spokesman James Jimenez, bagama’t una na nilang hinimok ang mga nuisance candidate na huwag ng mag-sumite ng COC ay may ilan pa ring aspirante na maagang nag-file na kulang din naman sa mga requirements.

Kabilang na dito si Murillo, isang masahista at tumatakbo bilang pangulo na kahit litrato para sa COC form ay wala itong dala-dala.

Dahil dito, muling nanawagan ang Comelec sa mga nagbabalak pang kumandidato na asikasuhin muna ang kanilang mga papeles bago magtungo sa Comelec upang hindi na magdulot ng abala.

Payo pa nito sa mga walang kakayahang mangampanya at gumawa ng mga kinakailangang dokumento ay huwag na lamang tumakbo upang makabawas sa paglalaanan ng oras ng komisyon.

November 21, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: