DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Maguindanao massacre, worst election related incident’ – Comelec

ILOILO CITY – Itinuturing ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na pinakamalalang election related incident ang nangyaring masaker sa Maguindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Ferdinand Rafanan, Law Department head ng Comelec, sinabi nito na ang nangyaring masaker ay nagpapakita ng sukdulang kabangisan na hindi inaasahang magagawa ng isang tao.

Sa ngayon, maliban sa posibleng maagang pagsailalim sa Maguindanao sa election hot spot at Comelec control, pag-aaralan rin ang posibleng paglipat ng venue ng filing ng certificate of candidacy.

Kasunod nito, nagbabala ang Comelec sa mga politiko na may itinatagong private armed men lalo na sa Maguindanao.

Sinabi rin ni Rafanan na pag-aaralan ng Comelec en banc ang kanilang magiging hakbang para madis-armahan ang mga armed men sa Maguindanao na ginagamit ng mga politiko dahil sa ngayon wala pa sa kontrol ng Comelec ang PNP at AFP dahil hindi pa nagsisimula ang election period.

Matandaan na kahapon nakatakda sanang mag-file ng COC si Buluan Vice-Mayor Ismael “Toto” Mangudadatu sa pamamagitan ng asawa nito kasama ang mga kapatid, abugado at miyembro ng media nang harangin umano ang mga ito ng mahigit 100 armadong lalaki at saka pinatay.

November 24, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

1 Comment »

  1. nakakalungkot isipin n mrami s mga politiko ay nagiging sakim n s kapangyarihan…tandaan niyo lahat ng mga gumagawa ng kasalanan ndi man keo mhatulan dito s mundo pero kapag keo ai NAMATAY!!!..diyos parin ang hahatol s inyo wala keong ligtas s hatol ni bro!!!!!!!!!!……….

    Comment by khris | November 24, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: