DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Super typhoon, papasok sa Pilipinas – Pagasa

Matapos na maging low pressure area ang bagyong si Urduja, isang malakas na bagyo naman ang namataan ng Pagasa sa labas ng Philippine area of responsibility.

Ang bagyo ay pinangalanang Nida, kung saan huli itong namataan sa layong 285 kilometro sa kanluran-timog-kanluran ng Guam o sa 1,835 kilometro sa silangan ng Visayas.

Sa pagtaya naman ng Typhoon2000, taglay ng super typhoon ang lakas ng hangin na umaabot sa 250 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may bugsong hangin na umaabot sa 305 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 22 kilometro bawat oras sa direksyon ng hilagang kanluran o patungo sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ilang araw pa ang hihintayin bago pumasok sa bansa ang bagyo, ngunit ngayon pa lamang ay pinayuhan na ng Pagasa ang mga residente lalo na sa silangang bahagi ng Visayas at Luzon na patuloy na paghandaan ang pagpasok ng malakas na bagyo.

November 26, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: