DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Lamig sa Baguio City, pumalo na sa 11°C

BAGUIO CITY – Kung umiinit ngayon ang isyu ng pulitika at kaso ng Maguindanao masaker sa bansa, patuloy naman ang paglamig ng klima sa Summer Capital of the Philippines dulot pa rin ng hanging amihan na nararanasan sa hilaga at silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Pagasa-Baguio, pumalo na ngayon sa 11.2 degrees celsius ang pinakamalamig na temperatura na naitala nila kaninang madaling araw.

Mas mababa ito kung ikukummpara sa naitalang pinakamababang temperatura kahapon na 12.0.

Una ng sinabi ng Pagasa na inaasahan pang lalamig ang klima sa lungsod ng Baguio sa mga susunod pang araw.

May posibilidad din na mapantayan o malampasan nito ang pinakamababang temperatura na naitala noong nakaraang Enero sa kasalukuyang taon na 7.5.

Matatandaang ang pinakamababang temperatura na naitala sa kasaysayan ng City of Pines ay 6.3 degrees celsius noong January 18, 1961.

December 2, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: