DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Mayor Ampatuan, kinuyog sa DOJ hearing

Tumagal lamang ng halos 30 minuto ang unang preliminary investigation ng Department of Justice (DoJ) sa kasong multiple murder na kinakaharap ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Bigong makapagsumite ng kanilang mga counter affidavits ang halos 50 respondents sa kaso maging si Ampatuan Jr.

Dahil dito, itinakda ng DoJ panel of prosecutors sa Disyembre 28 ng taong kasalukuyan ang susunod na preliminary investigation.

Inatasan din ng panel of prosecutors na nakatalaga sa kaso, ang lahat na mga respondents na magsumite ng counter affidavits hanggang sa Disyembre 28 at wala nang extension.

Bagama’t iginiit ng kampo ni Ampatuan sa pamamagitan ng abugado nitong si Atty. Sigfrid Fortun na hindi na magsusumite ng counter affidavits, iginiit naman ng mga abugado ng kamag-anak ng mga biktima na kailangang magsumite ng counter affidavit si Ampatuan na kinatigan naman ng panel of prosecutors.

Pasado ala una ng hapon ng dumating sa tanggapan ng DoJ ang kontrobersiyal na si Ampatuan Jr.

Tulad ng inaasahan sangkaterbang NBI agents ang nagbabantay sa kanya na kontodo naka-full battle gear, habang naka-bullet proof vest naman ang mayor, nakaposas at may kadena ang kamay.

Sa report ni Bombo Dennis Jamito, bago pa man umano makapasok sa building at pagbaba ng sasakyan ay bahagyang nagkagulo at nagkatensyon bunsod ng hinarang ito ng ilang miyembro ng National Press Club (NPC) na nakasuot ng kulay itim na t-shirt.

Iminudmud sa mukha ni Ampatuan ang mga larawan ng mga pinaslang sa Maguindanao.

Dahil dito bahagyang nadapa ang alkalde, subalit mistulang nakangiti pa ito ng tumayo.

Dito na ipinagsigawan ng ilang NPC members ang mga salitang “masdan mo ang ginawa mo.”

Nang dumating ang mga abugado ni Mayor Ampatuan na sina Atty. Sigrid Fortun at Atty. Narvasa, muling inulit ng ilang NPC members ang pagpapamukha sa kanila sa mga lawaran ng mga bangkay na pinatay sa Ampatuan, Maguindanao.

Mistula ring kinonsiyensya ng mga nag-aabang na grupo si Fortun na hindi na raw dapat pang tinanggap ang kaso upang idipensa ang multiple murder cases ng pamilya Ampatuan lalo na si Ampatuan Jr.

Dapat anila ay hinayaan na lamang ni Fortun na iba ang humawak sa nabanggit na akusado at hindi ang katulad niya na maibibilang sa hanay ng mga legal luminaries.

Bukod kay Ampatuan ay dumalo rin sa hearing ang mahigit sa 50 miyembro ng PNP Maguindanao na respondents din sa kaso.  

Matapos ang imbestigasyon, una namang lumabas si Ampatuan habang naiwan si Buluan Vice Mayor Ismail “Toto” Mangudadatu sa loob ng DOJ.

Nagkatitigan at nginisihan pa ni Ampatuan Jr. si Mangudadatu at nang makarating sa labas ng DOJ building, napapangiwi si Ampatuan matapos na muling kinuyog ng media habang pasakay ito ng kanyang bullet proof na sasakyan na maghahatid sa kanya pabalik sa kanyang kulungan sa NBI.

December 18, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: