DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Ferry boat, lumubog sa Batangas

Hindi pa man nareresolba ang isyu ng nagbanggaang MV Catalyn-B at FV Anatalia noong Disyembre 24, 2009 sa Cavite, isa na namang ferry boat ang lumubog ilang oras pa lang ang nakakalipas.

Sinasabing pag-aari ito ng Vesta Shipping Lines na byaheng Calapan-Batangas.

Ayon sa ulat, natukoy na isang ferry boat na may pangalang MV Baleno-9 ang lumubog ngunit hindi pa batid ang tunay na sanhi nito.

Nangyari umano ang insidente, bandang 10:00 ng gabi sa may karagatang malapit sa Isla Verde, Batangas.
ITEM 2
Umusad na ang search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng Batangas kung saan naganap ang pinakahuling paglubog ng isang ferry boat kagabi.

Sa ulat na inilabas ng PCG, agad tumulak ang BRP Davao del Norte, bandang 11:55 kagabi para galugarin ang pinangyarihan ng paglubog upang maisalba ang mga pasahero ng MV Baleno 9 ng Besta Shipping Lines.

Nabatid na byaheng Batangas-Mindoro ang naturang sasakyan.

Sa pinakahuling impormasyon, 53 na ang nai-aahon mula sa dagat sa pamamagitan ng tatlong rescue vessel.

Blangko pa ngayon ang PCG hinggil sa tunay na sanhi ng paglubog ng nabanggit na sasakyang pandagat.

Bagama’t 20 lamang umano ang nakatalang pasahero sa manifesto, umaabot naman sa 88 ang kabuuang dami ng mga sakay nito; 18 sa kanila ay mga crew habang 70 naman ang mga pasahero.

Patuloy pa ring hinahanap ang 35 na iba pa sa pamamagitan ng PCG at ng iba pang mga grupo.

December 26, 2009 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: