DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

1st set ng poll machines, bagsak sa test?

Bagsak sa isinagawang machine test ang unang set ng mga precinct count optical scan (PCOS) computers na idiniliver ng Smartmatic-Total Information Management (TIM) nitong nakaraang linggo mula sa bansang China.

Base sa ulat na nakalap ng Bombo Radyo sa isang mapagkakatiwalaang source, 30 balota lamang mula sa 600 ballot sheet ang binasa ng makina, habang mas marami sa mga ito ang nagkaroon ng error.

Isinagawa umano ang pagsubok sa mga makina ilang oras pa lang ang nakakalipas sa Cabuyao, Laguna.

Sa nabanggit na machine test, sumaksi ang mga kinatawan ng Commission on Elections (Comelec), Department of Science and Technology (DOST) at iba pang mga IT expert.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Comelec spokesman James Jimenez, inamin nitong nagkaroon nga sila ng machine test sa warehouse ng mga makina sa Laguna.

Pero dipensa nito, hindi naman maaaring maagang husgahan ang mga makina dahil kagagaling pa lamang nito sa byahe at posibleng magkaroon talaga ng ilang kapalpakan.

Pero pagtitiyak nito, paplantsahin lahat ng kanilang technical working group ang lahat ng aberya ng mga makina bago sumapit ang eleksyon.

Tiniyak din ni Jimenez na hindi mangyayari ang mga ganitong sitwasyon sa panahon ng aktwal na halalan.

January 5, 2010 - Posted by | Exclusive, National, Technology, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: