DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Double murder case vs Lacson, isampa sa korte’

Pinapasulong sa korte ng Department of Justice (DoJ) ang double murder case laban kay Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa pagdukot at pagpaslang sa PR man na si Salvador ‘Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Ayon kay Justice Sec. Agnes Devanadera, batay sa resulta sa isinagawang imbestigasyon ng DoJ panel of prosecutors, may probable cause para isampa ang kaso laban kay Lacson.

Kaugnay nito, naghain na ng motion for judicial determination of probable cause sa korte si Lacson kaugnay sa inihaing double murder case ng DoJ.

“I already filed a motion for judicial determination of probable cause with the court. I’m hoping that the court will reverse DoJ on the issue of probable cause,” ani kay Lacson.

Inaasahan na umano  ni Lacson ang pagpupumilit ng DoJ na maisampa ang kasong pagpatay laban sa kanya sa kabila ng kawalan ng basehan at ebidensya.

“I had long expected DoJ to insist on filing the information in court no matter how tenous the evidence is,” dagdag pa ng senador.

Tiniyak ni Lacson na gagawin ng kanyang legal team ang lahat na paraan upang masagot at maharang ang anumang pag-aresto sa kanya.

Hindi nagbigay ng anumang detalye si Lacson kung anong option ang inihahanda para makaiwas sa pag-aresto, maliban sa pagkumpirmang tina-trabaho ang lahat ng legal remedies.

January 7, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: