DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

2 patay, 221 sugatan sa fiesta ng Nazareno sa Quiapo

Inaasahang madagdagan pa ang bilang ng mga nasugatan at mga hinihimatay sa pagpapatuloy ng prusisyon ng itim na Poong Nazareno pabalik ng Quiapo Church.

Inihayag ni Gwendolyn Pang, secretary general ng Philippine National Red Cross (PNRC), matagal pa bago makaabot ng simbahan ng Quiapo ang imahe kung kaya’t maaaring tumaas pa ang mga mabiktima dahil sa napakarami ng debotong sumali sa prusisyon.

Sa ngayon umano ay anim na stations ang itinalaga ng PNRC sa paligid ng Quiapo at dinadaanan ng prusisyon.

Umaabot na umano sa 221 ang naitala nilang nasugatan at nahimatay matapos na maipit sa prusisyon.

Una nga rito ay dalawa na ang kumpirmadong patay may kaugnayan sa pista ng itim na Poong Nazareno sa Quiapo.

Ayon kay Nathaniel Avila, ang city security force na nakatalaga sa Maynila, cardiac arrest ang ikinamatay ng biktima na si Rodrigo Ocampo ng Arellano-Zobel St., Makati City.

Dead on arrival rin sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Bernardino Basilio, 40-anyos na bigla na lamang nag-collapse sa kasisimula pa lamang ng prusisyon, dahil sa atake sa puso.

Nasa kalagitnaan umano ng prusisyon ang biktima nang atakehin at dead on arrival na isinugod sa Hospital ng Maynila.

Samantala, tatlong deboto naman ang isinugod rin sa Philippine General Hospital matapos na bahagyang nasugatan nang maipit sa prusisyon.

Napag-alaman na umaabot sa mahigit dalawang milyong katao ang sumali sa prusisyon ng Poong Nazareno kung kaya’t napakabagal ng usad ng karosa ng Black Nazarene.

January 9, 2010 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: