DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

ASG lider Abdul Basit Usman, patay sa US airstrike

DERA ISMAIL KHAN  — Iniulat ngayon ng Pakistani intelligence unit na kabilang ang isang Filipino militant sa mga nasawi sa inilunsad na airstrike ng Amerika sa Afghanistan nitong buwan lamang.

Ayon sa impormasyong ipinalabas ng dalawang Pakistani military intelligence officers, nasawi noong January 14 sa border ng South at North Waziristan tribal regions si Abdul Basit Usman at 11 isa pang mga militante sa rehiyon.

Sa naunang report, tinukoy ng US government si  Basit na umano’y  may koneksiyon sa Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf Group (ASG) terrorist organizations.

Dagdag pa sa report na target umano ng airstrike ay ang lider ng  Pakistani Taliban na si Hakimullah Mehsud.

Una na ring pinaniniwalaan na sa Central Mindanao lamang nagtatago sa Basit at wala umanong insikasyon na nasa Pakistan ito.

Mayroong nakalaan na $1 million na reward ang U.S. State Department para kay Basit na kabilang sa kanilang listahan ng mga most-wanted terrorists. (AP)

January 22, 2010 - Posted by | Excerpts, International, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: