DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Information Billl, Early Voting Bill, OK na sa Senado

Lagda na lang ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kulang upang maging ganap na batas ang Senate Bill 3308 o mas kilala sa Freedom of Information Act at Senate Bill 3086 o Disaster Management Act.

Ito ay matapos na ratipikahan ng Senado ang report ng bicameral conference committee para sa dalawang panukalang batas.

Ang Freedom of Information Act ay naglalayong makuha ng publiko ang mga mahahalagang dokumento, kabilang na ang mga proyektong nabahiran ng kontrobersiya at alingasngas.

Nabatid na kabilang ang mga mamamahayag sa mga nagla-lobby para sa pagpapatibay ng SB No. 3308 o ang “An Act Implementing the Right of the People to Information on Matters of Public Concern Guaranteed Under Section Seven, Article Three of the 1987 Constitution.”

Aminado naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na malaking tulong ang pagpapatibay ng nasabing batas dahil magdadawalang-isip ang sinumang opisyal ng gobyerno na gumawa ng kalokohan, lalo na umano ang susunod na administrasyon.

Pasado na rin sa third and final reading sa Senado ang Senate Bill 3074 o ang batas na naglalayong magsagawa ng maagang botohan sa mga lugar na idineklarang hot spot ng Commission on Elections (Comelec) lalo na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). 

Kasama na rin sa panukala ang mga media na maaaring makaboto ng maaga bago pa ang halalan.

Maliban sa naturang mga panukala ay inaprobahan na rin ng Senado sa pangatlo at huling pagbasa ang nasa 15 local bills.

February 1, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: