DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

P43-M halaga ng palay at gulay, nasira ng El Niño

CAUAYAN CITY, Isabela – Umaabot na sa mahigit P43 million ang halaga ng mga napinsalang tanim na palay at gulay sa iba’t ibang bayan sa Isabela dahil sa epekto ng tagtuyot bunga ng El Niño phenomenon.

Mula sa 132,674 hectares na palayan ay 2,574 ang partially damaged at ang inaasahan sanang aanihin ay 2,124 metric tons na may katumbas na halaga na P31,525,000.

Ang bilang ng mga apektadong magsasaka ay nasa 1,716 mula sa mga bayan ng San Pablo, Naguilian at Ilagan, Isabela.

Sinabi ni provincial agriculturist Danilo Tumamao ng Kagawaran ng Pagsasaka na hindi pa gaanong apektado ang malawak na palayan sa Isabela dahil mayroon pang dumadaloy na tubig mula sa Magat Dam Irrigation system.

Samantala, sa high value crops ay 1,146 hectares ang nataniman. Umaabot naman sa 76.15 hectares ang apektado ng kalamidad at ang inaasahan sanang aanihin ay 88.84 metric tons na ang katumbas na halaga ay P13 million.

Mas matindi rin ang pinsalang dulot ng tagtuyot sa mga tanim na mais dahil umabot na sa mahigit P400 million ang halaga ng mga napinsala.

Sa kabuuang 125,284 hectares na tinaniman ng mais sa Isabela ay 880 hectares ang hindi na mapakinabangan habang ang natitirang 46,071 hectares ay maaari pang maisalba kapag may malakas na ulan.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Tuguegarao kay Board Member Rodolfo Alvarado ng ikatlong distrito ng Cagayan, sinabi nito na isang wake-up call sa taongbayan ang nakaambang El Niño .

Malinaw na epekto ito ng climate change o pag-iiba ng klima na dapat sama-samang pagtuunan ng pansin ng publiko.

February 4, 2010 - Posted by | Local, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: