DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Sen. Lacson, ipadedeklara na ring wanted sa international community

Hindi na lamang sa Pilipinas wanted si Sen. Panfilo Lacson kundi maging sa international community kapag naindorso na ng Department of Justice (DoJ) ang naturang kaso sa Interpol na siyang may hurisdiksyon sa mga ganitong sitwasyon.

Ayon kay Justice Secretary Agnes Devanadera, matapos ipalabas kanina ni Manila RTC branch 18 Judge Myra Garcia-Fernandez ang arrest warrant kaugnay sa kaso ng pagpaatay kina PR man Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emanuel Corbito, sinimulan na nila ang pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Interpol.

Bagama’t mahigpit na tinututulan ng kampo ni Lacson ang taguring pugante o wanted, iginiit ng DoJ na ito ang nauukol na katawagan para sa senador dahil sa pagtakas nito sa kinakaharap niyang usapin.

Nanindigan naman ang kalihim na walang halong pulitika ang paglalabas ng mandamiento de aresto laban kay Lacson, dahil una na aniyang sinabi ng hukom na nakakita ito ng probable cause kaya inilabas ang kautusan.

Sa ngayon may lead na umano ang National Bureau of Investigation (NBI) sa tunay na kinaroroonan ni Lacson.

Dahil sa negatibo umano ito sa China, Australia at Estados Unidos, mas maliit na umano ngayon ang kanilang paghahanapan kay Lacson.

February 5, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: