DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Alyas Bigote’ dapat ipaaresto na rin – counsel

Naniniwala ang kampo ni dating Supt. Cezar Mancao  na ‘tip of the iceberg’ lamang ang kautusan ng korte na arestuhin na si Sen. Ping Lacson.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Mancao, naniniwala silang marami pa silang gagawin at pagdadaanan bago ganap na maresolba ang kaso.

Si Mancao ay state witness sa kaso at dahilan kaya nadiin si Lacson sa Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Topacio, dapat matukoy din at mapaaresto ang sinasabing ‘bigote’ na nagbigay umano ng order sa pagpaslang kina Bubby Dacer at Manuel Corbito.

“Naniniwala din po kami na kung may ebidensya po at mapapatunayan kung sino itong ‘alyas Bigote’ na ito, maging sinuman siya, dapat ang tao ring ‘yon ay maisyuhan din ng warrant of arrest at makulong din po. Kung hindi po, hindi po makompleto ang hustisya hindi lamang sa pamilya Dacer kundi maging sa pamilya Corbito,” ani Topacio sa Bombo Radyo.

February 6, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: