DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

State of calamity, idineklara sa Cauayan City dahil sa tagtuyot

CAUAYAN CITY, Isabela – Isinailalim sa state of calamity ang Cauayan City para ibayong matulungan ang mga magsasaka na apektado ng matinding epekto ng tagtuyot bunga ng El Niño phenomenon.

Umaabot na sa mahigit P100 million ang halaga ng mga napinsalang tanim na mais at palay dahil sa kalamidad.

Sa mahigit 12,000 hectares ng maisan ay umaabot na sa 11,000 hectares ang napinsala, habang ang natitira ay maaari pang maisalba kung magkaroon ng malakas na ulan.

Hihilingin ng Department of Agriculture (DA) kay Mayor Ceasar Dy ng Cauayan City na bumili ng mga water pumps para gamitin ng mga magsasaka sa pagpapatubig ng kanilang mga sakahan upang maibsan ang kawalan ng ulan.

Sinabi ni Cauayan City agriculturist Rufino Arcega na 20 water pumps ang kanilang hihilingin sa kagawaran ng pagsasaka sa tulong ng city government.

Ayon kay Arcega, mas matindi ang hirap ngayon ng mga magsasaka kumpara sa tagtuyot noong 1997 dahil nagsimula na noong Enero ngayong taon ang scheduling sa pagpapatubig sa mga palayan.

Noong Biyernes ay isinailalim sa state of calamity ang Ilagan, ang kabisera ng Isabela dahil sa umaabot na sa P400 million ang halaga ng mga napinsalang taniman ng mais.

Sa kabuuan ay umabot na sa P1.8 billion ang halaga ng mga tanim na mais, palay at gulay ang napinsala sa buong Isabela.

Bumili ng 50 water pumps ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela at ipinahiram sa iba’t ibang bayan para magamit ng mga magsasaka sa pagpapatubig ng kanilang mga pananim.

February 15, 2010 - Posted by | National, Regional, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: