DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Crop production, posibleng bumagsak ng 10% dahil sa El Niño

Inaasahan na umano ng gobyerno na 10% ang ibabagsak ng crop production sa first semester ng taong kasalukuyan, dulot ng nararanasang matinding tag-init. 

Batay sa “worst case scenario” na pagtaya ng Department of Agriculture, malaki umano ang mawawala sa mga pananim na palay at mais dahil sa El Niño.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Bernie Fondevilla, umabot sa P80 billion ang halaga ng mga produkto ang naani sa unang anim na buwan noong nakaraang taon pero malabo umanong malagpasan na ito ngayon.

Sa pinakahuling rekord ng ahensya, pumalo na sa mahigit P1.39 billion ang halaga ng mga nasirang produkto, kabilang ang mahigit 100, 000 metric tons ng mais at palay.

Umaasa naman ang DA na makakabawi ang rice at corn production ng bansa pagsapit ng second semester kung saan inaashan na matatapos na ang summer season.

February 18, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: