DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Mga pangunahing dam sa Cordillera natutuyo na dahil sa El Niño

BAGUIO CITY – Nanganganib na matigil ang operasyon ng Binga dam sa lalawigan ng Benguet kung patuloy na walang pag-ulan.
Ayon kay Atty. Mike Osillos, vice-president ng SN Aboitiz Power na namamahala sa Binga dam, tumitigil ang operasyon nila dahil sa kawalan ng sapat na tubig sa dam.
Sa ngayon 25 megawatt lang ang kaya nilang maibigay na koryente at “on and off” pa ang kanilang operasyon.
Sinabi pa nito na kapag nagpatuloy ang ganitong situasyon, wala silang magagawa kundi itigil muna ang operasyon ng dam.
Sa ngayon ay nasa 565 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam at pag bumaba pa ito ng 5 meters ay hindi na puwedeng makalikha ng koryente.
Ang Binga dam ay may 100 megawatt capacity at ito ang pinanggagalingan ng supply ng koryente para sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
Samantala, bagamat hindi nag-o-operate ang Ambuklao dam sa Benguet bumaba na rin ng husto ang lebel ng tubig dito.
Pati ang mga local fisherfolks na mayroong fish cages sa nasabing dam ay nanganganib ding mawalan ng kabuhayan.
Sa probinsia naman ng Kalinga ay malubha namang naaapektuhan ang Chico dam irrigation na pangunahing patubig sa mga palayan sa lalawigan.

February 19, 2010 - Posted by | Local, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: