DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Parad, kumpirmadong patay na – AFP

Naniniwala ang Armed Force of the Philippines (AFP) na malaking kawalan sa teroristang grupo ng Abu Sayyaf ang pagkapaslang sa kanilang lider na si Al-bader Parad.

Sa panayam ng Bombo Radyo ngayong umaga, sinabi ni AFP spokesman Col. Romeo Brawner, magkakagulo ang mga Abu Sayyaf dahil nawalan sila ng lider at mawawalan din sila ng “drive” para gawin ang mga nakasanayang kriminalidad tulad ng mga pagdukot.

Ayon kay Brawner, ang pagkamatay ni Parad ay isang tagumpay para sa mga peace-loving citizens ng Sulu at maging sa buong bansa.

Alam naman umano ng lahat na ang mga karumal-dumal na ginagawa nina Parad ay walang kapatawaran.

“Malaking dagok sa grupo nila, unang-una kung nawalan ng lider, tiyak na magkakagulo at mawawalan din sila ng “drive” para gawin mga ginagawang krimen. Pangalawa, it’s also a victory para sa lahat ng peace-loving Filipinos sa Sulu at Pilipinas,” ani Brawner sa Bombo Radyo.

Kabilang sa mga biniktima ng grupo ni Parad sina brodkaster Ces Drilon at ilang miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC).

Una ng inulat ngayong umaga ni Bombo Analy Soberano na matapos kilalanin ng apat na independent witnesses ang bangkay ni Parad, agad na itong inilibing.

Ito ay naaayon sa ritwal ng mga Muslim na kailangang ilibing kaagad ang isang napatay na Islam follower.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Joint Task Force Comet commander Brig. Gen. Rustico Guerrero, sinabi nito na ang pagsalakay sa kuta ni Parad sa Maimbung, Sulu ay hindi inasahan ng mga terorista kaya nasawi ang kanilang lider.

Inihayag din ni Guerrero na personal nitong nakita ang bangkay ni Parad gayundin ang lima pang napatay na Abu Sayyaf members.

Napag-alaman kay Guerrero na pumayat at nagpakalbo umano ang ASG leader.

Kinumpirma rin ng opisyal na isang miyembro ng Philippine Marines ang nasawi sa operasyon at tatlo pa ang sugatan na ginagamot ngayon sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

February 22, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: