DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Hustiya sigaw pa rin sa ika-3 buwan ng massacre’

KORONADAL CITY – Eksaktong tatlong buwan ngayong araw Pebrero 23, 2010 mula ng mangyari ang malagim na Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009 sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao kung saang iba’t ibang aktibidad ang isasagawa ng mga naulilang pamilya ng mga biktima sa lalawigan ng South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mrs. Myrna Reblando, maybahay ni Bong Reblando at tumatayong chairperson ng Justice Now Movement, nanatiling sariwa sa mga ito ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay na hanggang ngayon ay umaasa pa rin na makamit ang nararapat na hustisya.

Kaugnay nito, dismayado ang grupo dahil sa mabagal umanong pag-usad sa kaso laban kay suspended Mayor Datu Unsay Andal Ampatuan Jr. at maraming iba pa na siyang pangunahing suspek sa malagim na krimen.

Inaasahan ng grupo na sana’y unahin ang paglilitis sa kaso laban sa mga taong may kinalaman sa krimen upang makamit ang kanilang inaasam-asam na hustisya.

Kasabay nito, isang candle lighting at pagpapalipad ng mga balloons ang gagawin ng mga biktima ng masaker sa lalawigan kung saan ay magtitipon ang mga ito at mag-aalay narin ng panalangin sa kanilang mga mahal sa buhay.

Napag-alaman na sa General Santos City magsasagawa rin ng bendisyon sa mga sasakyan ng mga biktima na ginamit sa masaker alas-8 ngayong umaga.

Habang isang programa rin ang gagawin sa sementeryo pati na rin sa Koronadal City.

February 23, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: