DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

2 piloto patay sa pag-crash ng PAF plane sa Tarlac

(Update) Dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi matapos na bumagsak ang kanilang OV-10 Bronco plane habang nagsasagawa ng flight training sa Crow Valley and Gunnery Range sa Tarlac.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PAF spokesman Col. Gerry Zamudio, kinilala nito ang mga biktima na sina Capt. Jose Enriquez Leonardo Corpuz at ang kanyang co-pilot na si 1Lt. Apollo Carandang.

Ayon kay Zamudio nag-take off umano ang eroplano kaninang alas 11:25 ng umaga at bumagsak ito dakong alas 2:40 ng hapon.

Natunton na ang mga labi ng dalawang piloto ng 15th Strike Wing na nakabase sa Sangley Point.

Bilang standard operating procedure, grounded muna ang lahat ng siyam na natitirang OV-10 bombers habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang 15th Strike Wing ng PAF.

Nilinaw naman ni Zamudio na hindi kasama sa ginaganap na Balikatan exercise ang bumagsak na eroplano kundi nagsasagawa lamang ito ng training exercises.

Ang pagbagsak ng OV-10 Bronco plane ay halos mag-iisang buwan pa lamang ang nakakalipas ng bumagsak naman ang Nomad plane sa Cotabato City na ikinasawi ng walong opisyal kabilang na ang isang air force general.

Ang OV-10 Bronco plane ay unang na-develope noong taong 1960’s bilang special aircraft for Counter insurgency.

Noong 1991 nakatanggap ang Pilipinas ng 24 na OV-10 mula sa Amerika, na nadagdagan pa, at merong OV-10C models ang dumating din sa pagitan ng taong 2003 hanggang 2004 galing sa bansang Thailand.

Pina-improve ito o nagkaroon ng modification ang PAF mula sa tatlong propeller ay ginawang apat at nilagyan ng 20 mm (.79 in) gun pods.

February 24, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: