DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Chile, niyanig ng 8.8 magnitude quake

SANTIAGO, Chile – Isinailalim na sa state of catastrophe ang mga bahagi ng Chile na naapektuhan ng tumamang magnitude 8.8 na lindol, partikular ang capital city na Santiago at ang lungsod ng Concepcion.

Kasabay nito, umapela si Chilean President Michele Bachelet sa kanyang mga mamamayan na maging kalmado.

Sa ngayon umakyat na sa 52 ang kumpirmadong nasawi sa pagyanig ngunit maaari umanong tumaas pa ito.

“People should remain calm. We’re doing everything we can with all the forces we have. Any information we will share immediately” ani Bachelet

Patuloy na nakakaramdam ng aftershocks ang Chile kung saan may naitalang magnitude 6.9, 6.2 at 5.9.

Dahil dito, lalo pang pinalawak ang tsunami alert na kanina ay nakataas lamang sa Chile, Peru, Ecuador, Colombia, Antartica, Panama, at Costa Rica.

Maging ang Central America, French Polynesia, Hawaii, Australia at iba pang bansa sa Pacific ay nasa ilalim na rin ng tsunami alert.

Isinara na rin ang Santiago airport at lahat na flights ay idinivert sa Mendoza, Argentina.

Ayon sa mga residente, naramdaman hanggang dalawang minuto ang pag-uga ng mga buildings.

Kasunod ng malakas na lindol, nagkaroon ng malawakang power blackout at putol ang linya ng komunikasyon.

Maraming istruktura umano ang nawasak at nagkaroon ng tsunami sa ilang isla sa Chile. (BBC)

ITEM 2

Ilang lugar sa Pilipinas, inilagay sa tsunami alert

Inalerto ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magbantay sa buong magdamag lalo ang mga lugar na nakaharap sa Pacific Ocean kasunod ng itinaas nilang tsunami alert na posibleng dala ng 8.8 na lindol na tumama kanina sa bansang Chile.

Sinabi ngayon ni Phivolcs Director Renato Solidum na ang mga lugar na dapat na maging alerto sana ay ang nasa eastern coastline ng bansa tulad ng Cagayan province, Batanes, Isabela, Aurora, ilang parte ng Quezon Province, Camarines Norte at Camarines Sur, Albay, Sorsogon, parte ng Samar, tulad ng Northern Samar at Eastern Samar, Leyte at Southern Leyte, ang eastern side ng Surigao at mga probinsiya nito, maging ang Dinagat, Siargao, Davao Oriental at iba pang mga areas na nasa dalampasigan na nakaharap sa Pasipiko.

Wala namang abiso para sa evacuation ng publiko ang Phivolcs kundi maghanda lamang sa mga susunod na advisory at maging alerto sa mga susunod na oras.

Paliwanag pa ni Solidum, inilabas nila ang alert level No. 1 kaninang alas 3:10 ng hapon bunsod na rin ng sumunod na tsunami na tumama sa ilang lugar sa Chile na umabot sa 1.3 meters.

Maaari lamang umano magkaroon ng paglilikas sa Pilipinas kung itinaas na nila ang alerto sa No. 3.

Ipinaalala din ng opisyal na noong 1960 ay nagkaroon din ng paglindol sa Chile na mas malakas pa na umabot sa 9.5 magnitude at nakarating ang tsunami sa Pilipinas makalipas ang 24 oras.

Kaya naman, magdamagan aniya ang gagawin nilang pagtutok sa mga kaganapan na magiging epekto ng pinakahuling lindol sa Chile.

Liban sa Pilipinas ang iba pang mga bansa na nasa tsunami warning ay ang mga sumusunod: Chile, Peru, Ecuador, Colombia, Antarctica, Panama, Costa Rica, Nicaragua, Pitcairn, Honduras, El Salvador, Guatemala, Fr. Polynesia, Mexico, Cook Islands, Kiribati, Kermadec Is, Niue, New Zealand, Tonga, American Samoa, Samoa, Jarvis Is., Wallis-Futuna, Tokelau, Fiji, Australia, Hawaii, Palmyra Is., Tuvalu, Vanuatu, Howland-Baker, New Caledonia, Johnston Is. Solomon Is., Nauru, marshall is., midway is., Kosrea, Papua New Guinea, Pohnpei, Wake Is., Chuuk, Russia, Marcus Is., Indonesia, N. Marianas, Guam, Yap, Belau, Japan, at Chinese Taipei.

ITEM 3

1pm posibleng tumama ang tsunami sa RP – Phivolcs

Bagama’t hindi umano dapat na ikabahala, patuloy na nakatutok ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa development ng tsunami na resulta ng 8.8 magnitude na lindol sa bansang Chile.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, posibleng 1:00 ng hapon tatama sa bansa ang unang bugso ng alon na dala ng tsunami at una nitong maaapektuhan ang mga nasa baybayin ng Eastern Mindanao.

Magugunitang kanina ay ilang lugar na sa bansang Hawaii ang hinampas ng malalakas na alon.

Sa ngayon ay sinasabing aabot na sa Halos 150 ang kumpirmadong patay sa Chile, kabilang na ang tatlong tinangay ng tsunami.

Pero ayon kay Solidum, humihina na ang mga alon ng tsunami dahil sa lawak ng dinaraanan nito pero kailangan pa ring maging alerto ng ating mga kababayan dahil sa posibleng pagtaas ng tubig.

Nitong magdamag, hindi na halos natulog ang mga tauhan ng Phivolcs dahil sa patuloy na pagmonitor sa posibleng magiging pagbabago ng tsunami waves.

February 28, 2010 - Posted by | International, National, Unusual

3 Comments »

  1. 😥

    Comment by alissa | July 24, 2012 | Reply

  2. galing……………….!!!!
    ganun pala un :))

    Comment by alissa | July 24, 2012 | Reply

  3. ang hirap d halos natulog ang mga tauhan ng phivocs dahil sa patuloy na pag-monitor sa posibleng magiging pag babago ng tsunami waves……….!!!
    <\3

    Comment by alissa | July 24, 2012 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s