DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pilipinas at Pacquiao, nilait ng Italian-American TV host

Umani ng pagkondena sa iba’t-ibang blog sites at mga social networking sites ang panglalait na ginawa ng isang Italian-American comedian at TV/radio host laban kay Manny Pacquiao at maging sa mga Pinoy.

Sa kanyang podcast, tinawag ni Adam Carolla na “illiterate” ang pound-for-pound king at tinawag ang Pilipinas na bansa umano ng mga prostitute.

Minaliit ni Carolla si Pacman dahil sa hindi umano pagpayag sa hirit ni Floyd Mayweather Jr. na drug testing para sa kanilang laban.

“All you ____ got is just an illiterate guy who happens to smash other guys in the head better than other people,” ayon pa kay Carolla.

Maging ang pagkandidato ni Pacman ay hindi pinalampas ng komedyante at tinawag pa na may brain damage ang Pinoy ring icon.

“All they have over there (in the Philippines) is Manny Pacquiao and sex stores. What happens when Floyd Mayweather beats him? Does your country go into depression?” dagdag pa ni Carolla.

Si Carolla ay isang beteranong komedyante at malapit na kaibigan ng TV host na si Jimmy Kimmel na dalawang beses nang inimbitahan si Pacman upang mag-guest sa kanyang show. (Examiner)

April 4, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: