DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pinakamainit sa Metro Manila, naitala – Pagasa

Pumalo ngayong araw sa napakainit na 36.1 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Manny Mendoza ng Pagasa forecasting center batay sa kanilang na-monitor sa Quezon City sa pagitan ng ala una hanggang alas dos ng hapon.

Bukod sa lungsod ng Quezon, naramdaman din umano ang napakainit na temperatura sa mga lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Muntinlupa, Pasig at Makati na pawang may matataas na gusali at maraming mga sasakyan na nakadagdag sa init na dala ng sikat ng araw.

Bukod dito, umabot din sa nakapapasong 38.0 degrees Celsius ang naitalang temperatura sa tinaguriang extreme city ang Tuguegarao.

Bagama’t ito na ang pinakamainit mula ng pumasok ang summer season, posible pa rin umanong pumalo ito hanggang 40 degrees Celsius sa mga susunod na araw.

April 6, 2010 - Posted by | National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: