DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Comelec, 90% na ang kahandaan sa eleksyon

Kahit nagkapagtala ng ilang aberya sa nagpapatuloy na overseas absentee voting (OAV) sa Hong Kong at Singapore, buong pagmamalaki pa ring inihayag ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez na 90 porsyento na silang handa para sa nationwide automated elections sa darating na Mayo 10, 2010.

Ayon kay Jimenez, pawang mga minor problems lamang ang kanilang naitala sa Hong Kong habang smooth naman sa Singapore.

Ayon naman kay Comm. Gregorio Larrazabal sa panayam ng Bombo Radyo, makakatulong pa nga ang kanilang mga nararanasang problema para maisaayos ang mga ito pagdating sa aktwal na halalan sa Pilipinas.

Sa bilang ng mga naimprintang balota at iba pang mga election paraphernalia na kanilang naayos na, masasabi umanong handang-handa na sila kung titingnan ito sa positive perspective.

Sa pinakahuling ulat, halos kompleto na ang mga ballot boxes habang 38-milyon naman ang naililimbag ng balota.

Isasagawa naman ang bidding sa pagbili ng mga ink, ultraviolet lamps at iba pa sa mga susunod na araw.

April 12, 2010 - Posted by | National, Technology

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: